Ito na ang huling linggo ng wika ng mga seniors kaya ibinigay namin ang aming lahat para mapaganda at mapasaya ang aming selebrasyon.

Ang costume ng mga Seniors ay biblical characters. Nagcostume ako ng isang anghel. Haha!

3/5 ng Voltes V kasama si Bossing Khitz!

Ang namuno sa mga palaro ay ang Voltes V o ang Batch Rep at mga Section Heads — kami nila Annika, Suki, Gem at Shine.

Ang una naming palaro ay ang relay. Ang bawat section ay may 5 mag-aaral at dalawang guro. Sa loob ng 5 minuto ay paramihan ng malalagay na tubig sa bote gamit lamang ang plastic spoon.


Ang nanalo dito ay ang Section 1 kasama nila Ginoong Bohol at Ginoong Bugnosen.

Ang pangalawang laro ay ang Arte Mo na kinuha mula sa Showtime. May mga tanong tungkol sa pelikula at may apat na choices. Pipiliin ng mga maglalaro ay tamang sagot.
Ang mga section heads na game na game umacting!! Good job guys!! :)

Naging ganito ka-competitive ang mga seniors at nagdomino effect sila.

Pagkatapos ng mga laro ay nagsalu-salo na ang lahat.


Kasama rin namin ang A-Team at mga sisters.

Ang IV-3 ay sumample kung pano bumirit.

Kumanta sila ng Papa Cologne at inihandog ito kay Ginoong Manalang. Haha!

Kinanta rin nila ang Ligaya at ang Huling El Bimbo.

Pagkatapos nito ay nagsimula na ang Biritan. Nauna si Mima Cruz ng section 4.

Sumunod si Gliyam Cundangan ng section 1

Pangatlo si Judith Naranjilla ng Section 3

At panghuli si Bea Gonzaga ng section 2

Pagkatapos nito ay naglaro na kami ng Hampas Palayok. May limang palayok para sa lahat ng section at para sa mga guro.







Maraming salamat kay Ginoong Bugnosen sa pagsigurado na walang taong mahahampas kahit na siya ay puting puti na. Hahaha!

Ang panghuli ay ang awarding ceremony para sa mga may Pinaka Natatanging Kasuotan.
Sa section 1 ay si Corn Golez

Sa section 2 ay sila Bea Gonzaga at Chelsea Catipon

Sa section 3 ay si Stefi Carpio

Sa section 4 ay si Yna Soriano

Sabi nga nila save the best for last. Ito na ang pinakamasayang Linggo ng Wika sa AA! Nagkasaya ang lahat at nagka-isa ang mga Seniors!
Photos by: Leya Castro and Tricia Jao